Kahit sisinghot singhot ako kanina e bumangon pa din ako para mag prepare sa aking pagpasok sa opisina. As usual paunahan na naman ang pag ligo namin kasi were 8 na kelangan gumamit ng banyo, e ang tatagal naman kasi ng iba kaya kelangan talagang mag unahan para hindi maiwanan.
7am nasa office na ako, nagbukas ng PC, tinapos ang mga naiwang gawain kahapon. After nun, wala na. Nag gala na ako sa mga table ng kasamahan ko at nantrip (wala silang magagawa, pinagbibigyan nila ko palage. mouhahahah)

Habang tumatakbo ang oras, unti unti akong binabagot. Nakatitig lang sa screen ng pc, naispan tuloy ng baluga kong katabi (jaypotoinks) na mag gawa ng mustache at funny mouths eklavu. hahah drawing, colored it, photocopied it, and cut those mustach. Nilagyan ng tape sa likod at idinikit sa bibig. At alam na, hahah ano pa nga ba *click, piktyur. piktyur. at piktyur..
Malaya kami sa kalokohan ngayong araw kasi wala ang mga boss, hahah a bit boring nga lang, kasi hindi maingay dito.

and now, im waiting for the clock to hit 5pm, para makauwi na ko. yey :D