hay.. ilang months na lang bye bye school na. nakakamiss naman kaya.
Akala ko mahirap maging isang Kolehiyala, napagtanto ko Mahirap nga pala. hahah PERO nandoon ang SAYA, SAYA, at SAYA. mga loko loko kaklase ko e, simula first year kami na ang magkakasama, kahit nababawasan me dumadagdag namang…
Sari-saring trip. Iba’t ibang ugali. Madaming hitsura. hahah Basta iba iba.

pero kahit ganon, nagkakasundo pa din, sumasakay sa trip ng bawat isa, iniintindi ang ugali ng isa’t isa, at tinatanggap ang kung ano mang hitsura ng lahat..

nakakamiss lang ang mga kalokohan, kadramahan, kaartehan, mga seryosong bagay, at lahat ng gingawa sa eskwela.

masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng mga kaklase at kaibigang gaya NILA.